2 pulis niratrat, patay
December 11, 2006 | 12:00am
Dalawang pulis ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si PO1 Jesus Soliman, Jr., 33, nakatalaga sa Department of Interior and Local Government (DILG) at nakatira sa no. 2007 Capt. D. Rico St. Camarin Area, Brgy. 174, Caloocan City habang namatay sa Mary Johnston Hospital ang biktmang si P03 Bayani Neri, 30, ng no. 455 Panday Pira St. Tondo, Maynila at nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group-Manila Police District.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Jerry Ramos ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:25 ng madaling-araw sa Camarin area matapos na holdapin ng mga suspect ang biktimang si Soliman na nooy sakay ng kanyang motorsiklo.
Bubunot ng kanyang .9mm service firearm si Soliman subalit inunahan ito ng putok ng mga suspect at saka kinuha ang baril, pera at cellphone at mabilis na tumakas.
Nauna rito, hinoldap na rin ng mga suspect ang isang Briggs Narciso, 17, matapos ding harangin ang motorsiklo nito at tutukan ng caliber .38 at .45 pistol. Nakuha rito ang bracelet, wallet at cellphone.
Samantala, ayon naman kay Det. Rommel del Rosario ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:45 ng umaga kahapon nang tambangan ng anim hanggang walo ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang biktimang si Neri sa harap ng bahay nito.
Papasok na ng pintuan ang biktima nang biglang paulanan ng bala ng mga suspect. Nagtamo ito ng limang tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang malaman ang motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ellen Fernando at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended