^

Metro

Mga granada at mga bala nahukay

-
Iba’t ibang uri ng bomba at mga bala na ginamit ng mga Hapones noong World War 2 ang nahukay ng mga obrero sa likod ng ginagawang ekstensyon ng isang simbahan sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Nasa pangangalaga na ng Manila Police District-Explosive and Ordnance Division ang mga nahukay na 150 rounds ng cal. 30, mga bala ng cal. 50 at apat na live na granada.

Ayon sa report, dakong alas-10 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag ukol sa pagkakatagpo ng mga bala at granada sa likod ng simbahan ng Iglesia Filipina Independiente sa may panulukan ng Taft Avenue at Escoda St., Ermita.

Nagsasagawa ng konstruksyon para sa ekstensyon ng simbahan ang mga obrero ng MBSF Construction Co. nang mahukay ang balot ng bomba. Masuwerte na hindi tinamaan ng pala at piko at hindi rin natanggal ang pin ng granada na posible pang sumabog.

Nabatid pa na ibinaon ng mga Hapones ang mga bala at granada sa kasagsagan ng digmaan o maaaring natabunan lamang dahil sa pambobomba noon sa Maynila. (Danilo Garcia)

CONSTRUCTION CO

DANILO GARCIA

ERMITA

ESCODA ST.

HAPONES

IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE

MANILA POLICE DISTRICT-EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MAYNILA

TAFT AVENUE

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with