Fil-German, 2 pa arestado
December 9, 2006 | 12:00am
Isang Filipino-German national na diumanoy kamag-anak ng isang Senadora at dalawa pa nitong kasamahan ang inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) matapos mahulihan ng sangkaterbang matataas na uri ng baril na walang lisensya sa raid sa isang condominium sa Wack-Wack Road sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Gustav Warns, German national; Jesus Ora at Jaime Camille Brojan.
Ang mga ito ay ipinagharap na ng PNP-CIDG sa Mandaluyong City Prosecutors Office ng kasong illegal possession of firearms, ammunitions at explosives.
Ayon kay PNP- CIDG Chief Director Jesus Verzosa, dakong alas-9:30 ng gabi kamakalawa nang lusubin ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Supt. Edgardo Divina ng Special Operations Division ang 17th floor ng Pinaccle Condominium sa Wack-Wack Road ng nasabing lungsod.
Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Reynaldo Ros ng Regional Trial Court (RTC) Branch 33 ng National Capital Judicial Region (NCJR), Metro Manila.
Nasamsam mula sa condominium unit ni Warns ang 30 piraso ng matataas na uri ng mga baril na kinabibilangan ng 30 caliber submachine gun, AK-47 galing Vietnam, M 16 rifles, Ultimax machine gun, granada, vintage firearms tulad ng Thompson submachine gun at M 3 grease gun.
Bukod dito ay nakuha rin sa mga ito ang TNT explosive, sari-saring uri ng magazine para sa naturang mga armas at bulto ng mga bala.
Ikinatwiran ng abogado ni Warns sa mga awtoridad na gawi na ng dayuhan ang mangoleksyon ng sari-saring uri ng mamahaling mga armas pero hindi kumbinsido ang PNP-CIDG na naghihinalaang posibleng gamitin sa ibang bagay ang mga armas tulad sa nalalapit na May 2007 elections.
Kaugnay nito, tumanggi naman si Versoza na kumpirmahin ang balitang kamag-anak ng isang Senadora si Warns na kaagad tumawag sa tanggapan nito matapos ang insidente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended