Samantala tinitingnan rin ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa ilang kontrobersiyal na kasong hawak nito ang naganap na krimen.
Sa panayam kahapon kay Police Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police, hawak na nila ang limang testigo na handang magbigay ng pahayag hinggil sa naganap na pamamaslang sa naturang abogado at sa anak nitong si Benedict.
Base sa nakalap na report ng pulisya, hawak ni Asst. Solicitor General ang ilang kontrobersiyal na kaso, tulad ng PIATCO at Marcos ill-gotten wealth.
Matatandaan na noong nakaraang mga buwan ng taong kasalukuyan, pinatay sa lalawigan ng Cavite ang judge na may hawak sa kaso ng PIATCO na si Judge Hendrick Guingoyon, ng Pasay City Regional Trial Court.
Dahil ayon sa pamilya ni Ballocillo, wala silang alam na may kagalit ito at nabubuhay lamang silang pangkarinawang tao.
Nabatid na ang naturang solicitor general, kasama ang anak nito ay tinambangan ng dalawang armadong kalalakihan habang naglalakad sa Valley 1, Barangay San Antonio, Parañaque City, noong Miyerkules sa pagitan ng alas-9 at alas-10 ng umaga.
May teyorya rin ang pulisya, na posibleng nadamay lamang ang anak nito at ang talagang puntirya ng mga salarin ay ang matandang Ballocillo.
Tiniyak ng pulisya, na malulutas nila ang naturang kaso dahil sa ilang positibong lead na nakalap nila at iniimbestigahan din nila kung sino ang "utak" sa nabanggit na pamamasalang. (Lordeth Bonilla)