^

Metro

Kongreso ginulantang ng bomb scare

-
Ginulantang ng bomb scare ang Kongreso habang nasa kainitan ng debate ang mga mambabatas kaugnay ng kontrobersiyal na usapin hinggil sa Charter change.

Dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang maalarma ang Kongreso hinggil sa umano’y pagkakatagpo ng bomba habang nasa kainitan ng deliberasyon sa pagpapalit ng Saligang Batas.

Nabatid na tumawag umano si Ret. Gen. Bayani Favic, Sgt.-at-Arms ng Kongreso sa Quezon City Police District-Batasan Police Station na humingi naman ng responde mula sa mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division (EOD) sa diumano’y itinanim na bomba sa loob ng gusali.

Mabilis namang nagalugad ng mga tauhan ng EOD at dalang K-9 subalit wala namang natagpuang bomba sa loob ng Kamara.

Subalit ayon naman kay QCPD-Batasan Police Station Chief, Supt. Constante Agpaoa, bahagi lamang umano ng security procedure ang pagpapadala ng bomb squad sa Batasan complex upang matiyak ang seguridad ng mga mambabatas lalo pa’t nasa kainitan ng deliberasyon sa Chacha. (Doris Franche at Malou Escudero)

BATASAN

BATASAN POLICE STATION CHIEF

BAYANI FAVIC

CHACHA

CONSTANTE AGPAOA

DORIS FRANCHE

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

KONGRESO

MALOU ESCUDERO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-BATASAN POLICE STATION

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with