Dakong alas 12:20 ng tanghali ng magsimulang kumalat ang apoy sa sala ni Judge Vivencio Culosito, sa ikatlong palapag ng Hall of Justice ng Pasay City, na matatagpuan sa FB Harisson St., ng nabanggit na lungsod.
Umabot sa 3rd alarm ang naturang insidente, kung saan ayon sa Pasay City Department, sa kanilang inisyal na imbestigasyon posibleng faulty electrical wiring ang dahilan ng pagkalat ng apoy.
Idineklarang kontrolado na ang sitwasyon dakong ala-1:00 ng hapon. (Lordeth Bonilla)