Mag-ama niratrat, todas
December 7, 2006 | 12:00am
Patay ang mag-ama makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga salarin na nang-agaw sa dala nilang attaché case kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Hindi na umabot ng buhay nang isugod sa Olivarez Medical Center ang mga biktimang sina Nestor Ballosillo, 52 at anak nitong si Benedict, 23, kapwa residente ng San Antonio Valley 2 ng nabanggit na lungsod.
Kaagad namang nagsitakas ang hindi pa rin nakikilalang mga suspect matapos isagawa ang pamamaril at tangayin ang hawak na attache case ng mga biktima.
Sa sketchy report na nakarating sa tanggapan ni Police Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-9:00 at alas-10:00 ng umaga sa Valley 1, Barangay San Antonio ng naturang siyudad.
Pawang naka-disenteng suot ang mag-ama at habang naglalakad ang mga ito sa nabanggit na lugar, walang sabi-sabing pinagbabaril sila ng mga suspect na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril.
Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing kaso at inaalam pa ang motibo nang pamamaslang. Hindi pa rin mabatid kung ano ang laman ng attaché case na kinuha ng mga suspect sa mag-amang biktima. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended