^

Metro

P40 M naabo sa sunog

-
Umaabot sa P40 milyon halaga ng gamit sa paggawa ng tela at mga finished product nito makaraang masunog ang warehouse nito kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ayon kay FOI Salvador Norberte, dakong alas-2:25 ng madaling araw ng magsimulang magliyab ang gitnang bahagi ng JG Summit Warehouse na matatagpuan sa kahabaan ng Amang Rodriguez, Brgy. Rosario ng nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Sydney Maralit, security guard ng nabanggit na warehouse na nagulat na lamang siya ng makita niya ang biglang pagliyab ng Litton Mills na nasa gitnang bahagi ng warehouse.

"Undetermined pa ang cause of fire, kasi hanggang ngayon ay hindi pa naaapula ang sunog, inaasahan namin na magtatagal pa ito bago mag-fired out," saad pa ni Norberte.

Nabatid na noong Nobyembre 30 taong kasalukuyan lamang nagsara ang kumpanya dahil sa pagkalugi.

Napag-alaman na dating factory ng tela ang nabanggit na warehouse na dahil sa pagkalugi ay ginawa na lamang imbakan ng tela, bulak at sinulid.

Mayroong umaabot sa daan-daang tonelada ng mga raw materials ang nasa loob ng nabanggit na warehouse na tinupok ng apoy. Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin naaapula.

Sinabi ni Norberte na maaaring hanggang bukas pa ang kanilang operasyon sa pag-apula ng sunog dahil sa mababang density ng cotton na siyang dahilan kung bakit matagal ang apoy. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ

AYON

EDWIN BALASA

LITTON MILLS

NORBERTE

PASIG CITY

SALVADOR NORBERTE

SINABI

SUMMIT WAREHOUSE

SYDNEY MARALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with