Gasolinahan sinalakay ng nag-iisang holdaper
December 6, 2006 | 12:00am
Umaabot sa kalahating milyon piso ang natangay ng nag-iisang lalaki makaraang holdapin nito ang isang gasolinahan kamakalawa sa Pasig City.
Ayon kay Benny Quartel 30, Officer in Charge ng Flying V Gasoline station na matatagpuan sa kahabaan ng Sandoval Avenue, Brgy. San Miguel ng nasabing lungsod na masyado silang nabigla sa bilis ng pangyayari matapos pasukin ng suspect na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang opisina ng nasabing gasolinahan.
Lumalabas sa ulat ng pulisya na dakong alas 11:55 bago magtanghali nang iparada ng suspect ang kanyang kulay puting Nissan Sentra sa harapan ng gasolinahan at nagpanggap na kostumer.
Nang nasa loob na ito ng opisina ay agad na binunot ng suspect ang kanyang baril na nakatago sa beywang at nagdeklara ng holdap.
Dahil sa takot at pagkabigla ay walang nagawa ang mga empleyado ng nasabing gasolinahan ng kunin ng suspect ang perang nagkakahalaga ng kalahating milyong piso na nakalagay sa loob ng vault at matapos ang ilang minuto ay mabilis na tumakas sakay ng kanyang sasakyan habang iniwang nakatulala ang mga empleyado.
"Natulala daw yung mga empleyado ng gasolinahan kasi hindi nila akalain na holdaper yung suspect, nakapormal ang suot saka guwapo," pahayag ni PO3 Ike Jimenez, may hawak ng kaso.
Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa ikalulutas ng kaso habang iniimbitahan naman ang ilang empleyado ng gasolinahan para mabatid kung may anggulong inside job sa nasabing insidente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am