Ayon kay DOLE Sec. Arturo Brion, ang proyekto ay inilunsad upang mabigyan ng kasiyahan ang mga batang manggagawa na dumaranas ng kahirapan sa kanilang murang edad.
Tinawag na "Angel tree" ang programa kung saan sumisimbolo ito sa puno na namumunga ng prutas. Kabilang sa mga serbisyo na ibibigay sa mga child laborers at pamilya nito sa pamamagitan ng donor assistance ay pagkain, damit, pangangailangan sa bahay, livelihood, educational at medical assistance at trabaho o pangkabuhayan.
Nabatid sa mga opisyal ng Wish registry na tatanggapin ang kahilingan ng mga bata na nakatala sa National Program Assist Child Labor (NPACL) official masterlist of child laborers na isinumite sa NPACL at DOLE. Hindi rin tatanggapin ang mga indibidwal na kahilingan dahil ang proyekto ay para lamang sa Child Labor Program.
Kabilang sa mga beneficiaries ng programang Angel tree ang 9 na ibat ibang child foundation sa bansa kung saan ay hiniling ng mga batang ito ay pagkain sa noche buena, gamot sa maysakit nilang pamilya, laruan, damit at educational assistance. (Grace dela Cruz)