^

Metro

San Isidro High School walang pasok sa Lunes, Martes

-
Bagama’t tuluyan nang nalinis ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Fire Protection at Makati City Rescue Team ang kumalat na chemical spill sa San Isidro High School, wala pa ring klase sa Lunes at Martes ang mga estudyante upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Kasabay nito, pag-uusapan pa ng pamunuan ng paaralan kung magkakaroon na ng pasok sa Miyerkules dahil kailangan pa ring unahin ang kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante at guro dito.

Nabatid na ang pagpapatuloy ng klase ay depende na rin sa rekomendasyon ng inter-agency committee on environmental health.

Samantala, bukas na sa mga motorista ang ilang kalye sa paligid ng paaralan matapos na isara nang magkaroon ng chemical spill mula sa Science Laboratory at sa kasagsagan ng clearing operation. (Lordeth Bonilla)

BAGAMA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

KASABAY

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY RESCUE TEAM

MIYERKULES

NABATID

SAMANTALA

SAN ISIDRO HIGH SCHOOL

SCIENCE LABORATORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with