Trader, 2 pang carnapper timbog
December 3, 2006 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Anti-Carnapping Unit (QCPD-ANCAR) ang tatlo sa limang pinaniniwalaang kilabot na carnapper matapos na magsagawa ng kanilang operasyon kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Iniharap ni QCPD Director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang mga suspect na sina Roy Cortez, 52, negosyante; kapatid nitong si Eller, 49 at anak ni Eller na si Francisco, 26, pawang mga naninirahan sa No. 4-19 Seminary Road, Essel Park Subdivision, Brgy. Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga.
Dalawa pang suspect ang pinaghahanap matapos na makatakas nang isagawa ang pagsalakay sa bahay ng mga suspect.
Kasabay nito, nabawi din ng mga awtoridad ang siyam na luxury cars na sinasabing kinarnap din ng mga suspect at unti-unti nang tsina-chop-chop ng mga ito.
Ayon sa report ni Insp. Reggie Sta.Ana kay Sr. Supt. Bernabe Balba hepe ng District Intelligence and Investigation Division, dakong alas-7:30 ng gabi nang ireport ng biktimang si Arturo Adrales ang pagkawala ng kanyang pulang Mitsubishi Pajero (XFE-921) na nakaparada sa Quezon Memorial Circle sa Elliptical Road. Agad siyang humingi ng tulong sa pulisya na mabilis namang nagsagawa ng checkpoint.
Makaraan ang ilang oras ay naispatan ng mga awtoridad ang sasakyan sa Balintawak North Luzon Expressway at kanilang sinundan.
Dito ay nakita nilang huminto ang sasakyan sa isang gasolinahan at mabilis na pinalitan ang plaka ng sasakyan ng XDF-695 at saka pinaharurot patungong Pampanga.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ang mga QC police sa Pampanga police at Traffic Management Group-Region 3 at tinungo ang lugar ng mga suspect kung saan kinilala naman ni Adrales ang kanyang sasakyan.
Agad na pinosasan ang mga suspect at nakita din sa lugar ang ibat ibang mga kagamitan sa pagtsa-chop-chop ng mga kinarnap na sasakyan.
Ang mga suspect ay sasampahan ng kasong carnapping sa QC Prosecutors Office.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended