Batay sa report na tinanggap ni Supt. Franklin Mabanag, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division(QCPD-CID) ang mga biktima ay kapwa may mga saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ang unang biktima na may tattoo na "Nazareno" at "Sunny" sa likuran ay tinatayang nasa edad na 25-30, may taas na 55", nakasuot ng itim na T-shirt at asul na pantalon habang ang ikalawang biktima naman ay nasa edad na 30-32, may taas na 56", naka-itim na T-shirt, gray pants at may tattoo na tribal devil sa magkabilang balikat.
Nabatid na dakong alas-7:15 ng umaga nang matagpuan ang mga biktima sa harap ng MWSS sa Katipunan Ave. UP Balara, Quezon City.
Sa salaysay ng guwardiyang si Eduardo Alcantara, nakita na lamang niyang duguan at nakahandusay ang mga biktima na kapwa tadtad ng mga saksak sa katawan.
Wala naman umano siyang napansin na sasakyan o nagtapon ng mga bangkay sa lugar sa oras ng kanyang duty.
Hanggang ngayon ay nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang makilala ang mga biktima at malaman ang tunay na motibo ng pamamaslang. (Doris Franche)