^

Metro

2 salvage victim natagpuan

-
Dalawang lalaki na pinaniniwalaang mga salvage victim ang natagpuang tadtad ng saksak sa katawan at nakahandusay sa harap ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kahapon ng umaga sa Quezon City.

Batay sa report na tinanggap ni Supt. Franklin Mabanag, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division(QCPD-CID) ang mga biktima ay kapwa may mga saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang unang biktima na may tattoo na "Nazareno" at "Sunny" sa likuran ay tinatayang nasa edad na 25-30, may taas na 5’5", nakasuot ng itim na T-shirt at asul na pantalon habang ang ikalawang biktima naman ay nasa edad na 30-32, may taas na 5’6", naka-itim na T-shirt, gray pants at may tattoo na tribal devil sa magkabilang balikat.

Nabatid na dakong alas-7:15 ng umaga nang matagpuan ang mga biktima sa harap ng MWSS sa Katipunan Ave. UP Balara, Quezon City.

Sa salaysay ng guwardiyang si Eduardo Alcantara, nakita na lamang niyang duguan at nakahandusay ang mga biktima na kapwa tadtad ng mga saksak sa katawan.

Wala naman umano siyang napansin na sasakyan o nagtapon ng mga bangkay sa lugar sa oras ng kanyang duty.

Hanggang ngayon ay nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang makilala ang mga biktima at malaman ang tunay na motibo ng pamamaslang. (Doris Franche)

vuukle comment

BALARA

DORIS FRANCHE

EDUARDO ALCANTARA

FRANKLIN MABANAG

KATIPUNAN AVE

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with