15 kilo ng marijuana nakumpiska
December 1, 2006 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang operasyon sa Caloocan City ang isang notoryus na supplier ng marijuana at nasamsam dito ang may 15 kilo ng damo, kamakalawa ng madaling-araw.
Nakilala ang nadakip na suspect na si Alex Segundo, 28, ng Bayabas San Gabriel, La Union.
Nabatid sa ulat na si Segundo ang isa sa pinakamalaking supplier ng marijuana sa mga lungsod ng Maynila, Caloocan at Quezon City.
Isang buwan umanong nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba ng AIDSOTF sa kilos ng suspect. Nagawang makalapit ng mga operatiba nang isa ang magpanggap na buyer at umorder ng kilu-kilong marijuana.
Naitakda naman ang pagdeliber ng damo sa likod ng Grand Central shopping mall sa Rizal Avenue sa Caloocan City. Agad na dinakip si Segundo matapos na ipakita ang isang plastic bag na naglalaman ng marijuana.
Nakumpiska rin dito ang isa pang plastic bag kung saan umaabot lahat sa 15 kilo ng damo ang nakuha ng mga pulis.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa nadakip na suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am