^

Metro

Lola kinatay ng apo

- Ni Angie dela Cruz -
Dahil sa matinding kalupitan, nagkabutas-butas ang katawan ng isang lola makaraang burdahan ng saksak ng kanyang sariling apo habang natutulog ang una kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Editha Sepeda, 56, ng 141 Block 3 Lot 16 Area 6 Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Hindi naman tumakas at nahuli sa mismong pinangyarihan ng krimen ang suspect na si Ronald, 14-anyos, 2nd year high school student.

Base sa pagsisiyasat ni SPO1 Jun Barrameda ng Quezon City Police District- Criminal Investigation Unit dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima.

Nagtapat ang suspect na bago niya isinagawa ang krimen, hindi siya makatulog kamakalawa ng gabi sa takot na totohanin ng kanyang lola ang banta nitong papatayin siya.

"Natatakot akong ituloy ni lola ang banta nitong isusunod akong paglalamayan tulad ng namatay naming kapitbahay." pagtatapat pa ni Ronald.

Kaysa umano unahan siya, agad na kinuha ng suspect ang kutsilyo sa kusina at bumalik sa kuwarto ng kanyang lola bago kinubabawan ang matanda at saka inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Sinabi pa ng suspect na madalas umano siyang pagmalupitan at saktan ng kanyang lola sa hindi niya malamang dahilan.

Isasailalim sa pangangalaga ng DSWD ang suspect.

vuukle comment

BAGONG SILANGAN

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DAHIL

EDITHA SEPEDA

ISASAILALIM

JUN BARRAMEDA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SITIO VETERANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with