Subalit nagbabala si Judge Borreta na posibleng mabasura ang kaso laban sa mga akusado dahil sa madalas na pagliban ng mga prosecutors na pinangungunahan ni Conrado Tolentino, state Prosecutors ng Pasig RTC.
Pinaliwanag ng Judge na siyam na beses ng absent ang prosecutors sa nasabing kaso dahil umano sa ibat ibang rason dahilan upang hindi umusad ang kaso.
Sa parte naman ni Tolentino, sinabi nitong ang kanilang pagliban ay "Excusable", at mayroon umano silang tanggap na rason sa hindi pagdalo sa kaso.
Samantala, sinubok namang ipagpaliban ang arraignment ng kaso matapos na maghain ng motion to defer ang kampo ng dalawang akusado subalit hindi ito pinayagan ng korte at ipinagpatuloy pa rin ang scheduled arraignment.
Si Boratong ay nirerepresenta ni Atty. Raymund Fortun, habang si Sheryl ay nirepresenta ni Atty. Edwin Dela Cruz.
Samantala, naghain naman ng motion ang mga abogado ng akusado na kung maari ay huwag ng ilipat sa Pasig City Jail ang mag-asawa at doon na lang sila ikulong sa National Bureau of Investigation (NBI). (Edwin Balasa)