^

Metro

Demolisyon inulan ng ‘ebak’

-
Pansamantalang naantala ang isinagawang demolisyon sa ilang mga kabahayan makaraang manlaban sa pamamagitan ng pambabato ng mga dumi ng tao ang ilang mga kalalakihang apektado ng gibaan kung saan umalingasaw ang mabahong amoy, kahapon ng umaga sa Pasay City

Umalingasaw ang nakakasulasok na amoy sa kahabaan ng Vizcarra Highway sa Barangay Malibay nang umulan ng iba’t-ibang uri ng dumi ng tao, mabahong basura at kaning-baboy na ibinato ng mga apektadong residente sa demolition team na gigiba sa kanilang kabahayan.

Naawat lamang ang pambabato ng mga kalalakihan nang mamagitan na ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7 ng Pasay police na nakakasakop sa naturang lugar sa Barangay 169 Zone 17, Malibay, Pasay City.

Napag-alaman na matagal ng iniutos ng korte sa sheriffs office ang pagsisilbi ng demolition order sa mga kabahayang tinitirhan ng tinatayang aabot sa may 100 pamilya sa Vizcarra St. na matagal ng pinaaalis ng may-ari ng malawak na lupa.

Inialok na umano ng pamilya Bayona na nagmamay-ari ng lupa sa mga naninirahan na bilhin na lamang nila ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay kung gusto nilang manatili subalit ilan lamang ang tumalima sa magandang alok.

Nauna ng naantala ang demolisyon noong nakaraang unang linggo ng buwan ng Nobyembre matapos barikadahan ng mga residente ang naturang lugar hanggang sa matuloy na ang gibaan kahapon. (Lordeth Bonilla)

BARANGAY MALIBAY

BAYONA

INIALOK

LORDETH BONILLA

MALIBAY

PASAY CITY

POLICE COMMUNITY PRECINCT

VIZCARRA HIGHWAY

VIZCARRA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with