P.2-M nasamsam na paputok, naglaho sa MPD compound
November 28, 2006 | 12:00am
Umaabot sa P200,000 halaga ng mga imported na paputok na kinumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isang operasyon sa Binondo, Maynila ang iniulat na nawala sa MPD compound.
Nabatid na kinumpiska ng mga tauhan ng MPD-District Police Intelligence Unit (DPIU) ang mga paputok na nasabat sa isang pampasaherong jeep dakong alas-9 ng gabi noong nakaraang Sabado sa may Divisoria Mall sa Tabora St., Binondo. Dinala ang naturang mga kontrabando sa MPD compound ngunit matapos ang isang oras ay misteryoso itong nawala. Wala rin namang naisampang kaso at imbestigasyon na isinagawa ang DPIU sa naturang kinumpiskang mga paputok.
Ayon sa source, sumunod umano sa MPD ang may-ari ng kontrabando at nakipag-usap sa mga tauhan ng DPIU bago nawala ang mga nasamsam na paputok.
Itinanggi naman ni Sr. Inspector Baltazar Viran, hepe ng DPIU na nagsagawa sila ng operasyon at nangumpiska ng mga paputok noong Sabado. Itinuro nito ang ibang operating Unit tulad ng District Intelligence and Investigation Unit (DIID) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na posibleng siyang nagsagawa ng operasyon. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended