Suplay ng tubig sa MM, babalik na sa normal
November 28, 2006 | 12:00am
Unti-unti nang bumabalik sa normal ang suplay ng tubig sa Metro Manila matapos na ilang araw na naramdaman ang pagkakapos dito mula noong nakaraang Miyerkules.
Sa isang panayam, sinabi ni Jess Matubis, information chief ng Maynilad Waters, ibinalik na ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa normal ang ipinalalabas na suplay ng tubig sa Angat dam.
Pinaliwanag nito na nagkaroon ng kakulangan sa suplay sa tubig sa maraming residente sa Metro Manila dahil nga sa ginawang pagbabawas sa suplay mula sa Angat dam na may 39 cubic meters per second mula sa dating 41 cubic meters per second.
Ang naturang hakbang anya ay bilang paghahanda ng ahensiya sa inaasahang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended