^

Metro

Pekeng Viagra at Norvasc nasamsam ng NBI sa iba’t ibang botika

-
Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung botika na nagbebenta ng mga pekeng Viagra at Norvasc na nagkakahalaga ng P130,000 sa lalawigan ng Laguna, Quezon at Batangas.

Sinabi ni NBI-Intellectual Property Division chief, Atty. Jose Justo Yap, ang pagsalakay ay bunga ng inihaing reklamo ng Pfizer Inc., Phils.

Kabilang sa mga nahulihan ng mga pekeng Viarga at Norvasc na gamot sa puso ay ang Couples Med Pharmacy sa Flores St., San Pablo, Laguna; 2 sangay ng Farmacia Linda, San Pablo, Laguna; Shermar Pharmacy Branch 1 at Sun Pharmacy sa San Pablo rin.

Ang Pangkatipunan Drug Store sa Lucena City; Farmacia Alpena sa Tiaong, Quezon; Vadeth’s Pharmacy sa Recto Avenue sa Lipa City, Batangas at Farmacia Alpena sa Escudero, Tiaong, Quezon.

Ang pagsalakay ay isinagawa sa bias ng search warrants na inisyu ni Judge Socrates Erasmo ng San Pablo Regional Trial Court, Branch 30.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Special Law in Countefeit Drugs sa ilalim ng Republic Act 8203 laban sa mga may-ari ng sinalakay na botika. (Ludy Bermudo)

BATANGAS

COUPLES MED PHARMACY

DRUG STORE

FARMACIA ALPENA

FARMACIA LINDA

FLORES ST.

INTELLECTUAL PROPERTY DIVISION

JOSE JUSTO YAP

JUDGE SOCRATES ERASMO

QUEZON

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with