Constituents ng pinalayang barangay Chair, nangangamba sa kanilang seguridad
November 26, 2006 | 12:00am
Bunga ng lumalalang tensyon matapos ang paglaya ni Brgy. Chairman Graciano "Garcing" Victoriano hinihiling ng mga residente ng Brgy. Bignay sa lungsod ng Valenzuela ang aksyon ng pulisya para sa pagbibigay ng seguridad sa kanilang barangay.
Pangamba ito ng mga residente makaraang makita umano si Victoriano na may sukbit na di-mabatid na kalibre ng baril sa kanyang bewang matapos na magtungo sa kanyang tanggapan kamakalawa ng alas-5 ng hapon.
Ayon sa mga residente, kailangan umanong umaksyon ang tanggapan ni Supt. Billy Beltran, hepe ng Valenzuela City Police, sa pamamagitan ng pagbibigay ng seguridad sa kanilang barangay, bunga ng pangambang muling maganap ang karahasan kung patuloy na babalewalain nito ang kanilang kahilingan.
Partikular na gustong patutukan ng mga residente kay Beltran ang pagdadala umano ng baril ng kapitan kung may karapatan ito o wala at kung anong aksyon ang kanilang gagawin sa sandaling mapatunayan lumabag ito.
Giit ng mga residente, tanging ang pulisya lamang ang inaasahan nilang makapagbibigay sa kanila ng proteksyon at seguridad lalo ngayong nakadarama sila ng takot sa kanilang barangay.
Bukod dito, nananawagan din sila kay Mayor Sherwin Gatchalian na tingnan ang kanilang problema dahil naniniwala silang kulang ang seguridad na ibinibigay ng kapulisan sa kanilang lugar.
Nabatid sa source na matindi ngayon ang tensyon nararamdaman ng mga residente, simula ng lumaya si Kapitan buhat sa pagkakakulong sa tanggapan ng Caloocan City Police matapos mabalewala ang kasong multiple murder na isinampa ng pamilya ng anim na obrero.
Samantala, umaasa pa rin si Supt. Nap Cuaton, hepe ng Station Investigation Detection and Management Bureau ng Caloocan Police na mapagbibigyan ni Department of Justice Sec. Raul Gonzalez ang kahilingan nila para sa temporary restraining order (TRO) para sa kaso ni Victoriano.
Kasunod nito ang kahilingang imbestigahan ang piskal na sina Asst. Prosecutor Nestor Dabalos at Caloocan Regional Trial Court Judge Elenore Kwong dahil sa ginawang pagbasura sa multiple murder case ng mga akusado sa pagpatay sa anim na obrero. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am