^

Metro

Recruitment agency nilooban ng 6 na ‘pulis’

-
Tinatayang aabot sa P1.3 milyong halaga ang natangay ng anim na holdaper na nagpakilalang mga pulis sa isang recruitment agency, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ayon sa ulat, nilooban ng mga suspect ang Total Integrated Globe Employment Resources Inc. na nasa 295 Bigmac Bldg. Greenview Compound, Santolan Road, Brgy. Bagong Lipunan, Cubao, Quezo City dakong alas-2 ng madaling-araw.

Lumilitaw na sakay umano ng isang itim na Ford Expedition na hindi naplakahan ang anim na suspect na pawing naka-uniporme ng PNP at armado ng M-16 rifle.

Agad na tinutukan ng mga suspect ang sekyu na si Rene Relos at saka pinapasok sa loob ng recruitment agency kung saan iginapos ito ng electric cord at saka kinuha rito ang ibat-ibang susi.

Dito agad na nagsiakyat ang mga suspect sa ikalawang palapag ng gusali at tinungo ang accounting office at saka winasak ang vault. Nakulimbat dito ang mahigit sa isang milyong piso saka nagsitakas.

Patuloy pa ring sinisiyasat ng pulisya ang insidente na posibleng inside job dahil alam ng mga suspect ang kinalalagyan ng vault. (Doris Franche)

vuukle comment

BAGONG LIPUNAN

BIGMAC BLDG

DORIS FRANCHE

FORD EXPEDITION

GREENVIEW COMPOUND

QUEZO CITY

QUEZON CITY

RENE RELOS

SANTOLAN ROAD

TOTAL INTEGRATED GLOBE EMPLOYMENT RESOURCES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with