^

Metro

Milyong halaga ng mga gamot, hinayjack

-
Hinayjack ng limang armadong lalaki ang isang 12-wheeler truck na naglalaman ng iba’t ibang uri ng gamot na nagkakahalaga ng milyong piso kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Bukod dito, tinalian pa na parang mga baboy ang driver at pahinante ng truck at saka itinapon sa Cavite.

Sa limang suspect, nakilala ang isa sa mga ito na si Dennis Gonzales, empleyado ng Ximer Delivery Express (XDE) Company na nakatalaga sa Sucat Branch, habang inaalam pa ang pangalan ng apat pang kasabwat nito sa pangha-hijack.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa kahabaan ng Sucat Highway sa nabanggit na lungsod habang binabagtas ng delivery truck na may plakang TNF-515 na naglalaman ng 951 kahon ng ibat-ibang uri ng gamot nang harangin ito ng isang sasakyan na sakay ang mga suspect.

Itinali ang mga pahinante rito at saka dinala sa Tanza, Cavite na doon sila iniwan, habang tuluyang dinala ang mga idedeliber na gamot.

Patuloy naming nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)

BUKOD

CAVITE

DENNIS GONZALES

HINAYJACK

ITINALI

LORDETH BONILLA

PATULOY

SUCAT BRANCH

SUCAT HIGHWAY

XIMER DELIVERY EXPRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with