Panibagong reklamo vs Rizal Medical Center
November 26, 2006 | 12:00am
Muling nalalagay sa alanganin ang pamunuan ng Rizal Medical Center (RMC) sa Pasig City matapos na ireklamo ito ng pamilya ng 17-anyos na binatilyo na namatay sa sakit na dengue ilang araw matapos na isugod doon.
Ayon kay Lolita Aguinaldo, nanay ng nasawing si Mark Jason Aguinaldo na isinugod nila sa RMC ang binatilyo noong Nobyembre 10 dahil mayroong dengue at nasa stage 1 pa lamang ng ito ay tingnan.
Subalit makalipas ang ilang araw ay biglang umakyat sa stage 4 ang dengue ni Mark Jason sa kabila ng pagbili ng lahat ng gamot na inirereseta dito ng mga tuminging doktor.
Hindi na kinaya ng katawan ng biktima ang nasabing sakit at pumanaw ito noong Nobyembre 17.
Dahil sa pangyayari ay nakatakdang magsampa ng reklamo ang pamilya Aguinaldo laban sa pamunuan ng ospital dahil pinabayaan umano ng mga ito ang pasyente dahilan upang lumala ang karamdaman nito.
Sa panig naman ng Rizal Medical Center, sinabi naman ni Dr. Linda Arandia na hindi muna sila magbibigay ng reaksyon hinggil sa nasabing usapin dahil sa pinag-aaralan pa ang nasabing kaso at mag-uusap pa sila ng pamilya Aguinaldo.
Kung matatapos ang imbestigasyon ay posibleng sa Lunes na umano sila magbibigay ng pahayag. Subalit nilinaw ni Arandia na may mga ganung kaso umano ng sakit na dengue na mula sa stage 1 ay mabilis na umaakyat sa stage 4.
Ito na ang ikalawang sunod na inireklamo ang RMC matapos na smpahan din sila ng kaso ng mga na sunud-sunod namang namatay dahil sa sakit na neosepsis kamakailan dahil umano sa hindi pag-sterilize ng mga gamit sa loob ng delivery room.
Ang usapin ay hindi pa rin tapos hanggang sa ngayon at nadagdagan na naman ng panibagong insidente ng pagkamatay na ang sinisisi din ay ang ospital. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am
January 20, 2025 - 12:00am
January 18, 2025 - 12:00am