Bagong panganak na misis, natagpuang patay
November 25, 2006 | 12:00am
Isang 36-anyos na ginang na kapapanganak pa lamang ang natagpuang nakahandusay sa bangketa at nasawi dahil sa gutom at sakit na epilepsy, kahapon ng hapon sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Lea Eusebio, na dating naninirahan umano sa Sta. Fe St., Tondo. Nakita itong isang malamig nang bangkay sa bangketa sa panulukan ng Pacheco at Carlos P. Garcia St., Tondo na siya ngayon nitong tirahan.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon ng itawag sa kanilang opisina ang pagkakatagpo sa ginang sa nasabing lugar.
Sa pagsisiyasat, lumitaw na ang ginang ay asawa umano ng isang Noli Eusebio na nang mabuntis ay pinalayas dahil sa hinalang hindi niya ito anak.
Magmula noon ay sa bangketa na nakatira ang biktima sa kabila ng maselang kalagayan sa pagbubuntis. Nanganak naman sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit ipinamigay nito ang sanggol dahil sa hindi nito kayang buhayin.
Nabatid na may sakit na epilepsy ang biktima at hinihinalang sinumpong ito sa kanyang sakit base sa porma ng katawan nito na nakabaluktot pa ang dalawang nanigas nang kamay tanda ng atake. Dinala sa Popular Funeral Parlor ang bangkay ng biktima kung saan nanawagan ang pulisya sa asawa nito na kunin ito at bigyan ng maayos na libing sa huling pagkakataon. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am