^

Metro

NBI tumanggi na nanghingi ng lagay sa shabu tiangge operator

-
Itinanggi kahapon ng isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na nanghingi sila ng malaking halaga sa nadakip na umano’y operator ng "Pasig City shabu tiangge" kapalit ng pagpapalaya rito.

Sinabi ni NBI-National Capital Region chief, Atty. Ruel Lasala na walang katotohanan ang binitiwang akusasyon ni Atty. Raymund Fortun, abogado ng suspect na si Amin Imam Boratong, 34, tubong-Marawi City.

Inaresto si Boratong nitong nakaraang Martes sa loob ng Salcedo Park Condominium sa Makati City kasama ang asawang si Sheryll Molera, 22.

Sinabi ni Lasala na kung totoong nanghingi sila ng malaking halaga kay Boratong, kayang-kaya itong ibigay sa kanila ng suspect. Ngunit dahil sa walang katotohanan ay patuloy pa rin itong nakakulong matapos na kanilang tuluyan.

Samantala, tatlo pa katao ang inaresto ng NBI dahil sa umano’y pagkakanlong sa hinihinalang operator ng "Pasig shabu tiangge" na si Amin Imam Boratong.

Ayon kay Atty. Roel Bolivar, hepe ng NBI-Reaction, Arrest, Interdiction Division (RAID), ang mga suspect ay nakilalang sina Charlie E. Valencia, 38, ng Makati City; Johnny Z. Fernandez, 47, ng Sto. Tomas, Pasig City at Jabbar C. Macasampa, 37, ng Perea St., Makati City. Sila ay sinampahan ng kasong paglabag sa P.D. No. 1829 (Decree Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders). (Danilo Garcia)

vuukle comment

AMIN IMAM BORATONG

BORATONG

CHARLIE E

DANILO GARCIA

DECREE PENALIZING OBSTRUCTION OF APPREHENSION AND PROSECUTION OF CRIMINAL OFFENDERS

INTERDICTION DIVISION

JABBAR C

JOHNNY Z

MAKATI CITY

MARAWI CITY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with