^

Metro

Warden ng Makati City jail, nakabakasyon lang

-
Dahil sa hiling ng abogado ni dating Senador Gringo Honasan na ilipat ito ng kulungan sa Makati City Jail, nilinaw kahapon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi sinibak kundi nakabakasyon lamang ang warden ng Makati City Jail na nagkataong miyembro ng Philippine Guardians Brotherhood Inc.

Ayon kay Supt. Edgar Bolcio, Metro Manila District Jail director, malilipat sa tanggapan ng BJMP ang warden ng Makati City Jail na si Supt. Deogracias Tapayan bunga sa paglabas ng kanyang promosyon sa susunod na ranggo.

Si Tapayan ay pinalitan sa puwesto bilang warden ng Makati City Jail ni Supt. Emilio Culang na dating nakatalaga sa Caloocan City Jail.

Nauna rito’y napaulat na sinibak sa puwesto si Tapayan bunga ng pagiging miyembro niya ng Guardians na binuo ni dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan.

Magugunitang hiniling ni Atty. Danilo Gutierrez, abogado ni Honasan, sa korte na sa Makati City Jail ikulong ang kanyang kliyente sa halip na sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Bunga ng naturang kahilingan, kinakailangang magpaliwanag din sa korte ang warden ng Makati city jail upang alamin kung may sapat silang kakayahan na bigyan ng proteksiyon si Honasan at tiyaking hindi makakatakas sa naturang bilangguan ang dating senador.

Gayunman, bago pa man sumapit ang takdang araw na kinakailangan ng magpaliwanag si Tapayan, pinalitan na siya sa puwesto ni Supt. Culang.  (Lordeth Bonilla) 

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALOOCAN CITY JAIL

CITY

DANILO GUTIERREZ

DEOGRACIAS TAPAYAN

EDGAR BOLCIO

EMILIO CULANG

FORT STO

HONASAN

JAIL

MAKATI CITY JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with