Brgy. chair sumalvage sa 6 obrero, pinalaya!
November 24, 2006 | 12:00am
Tila bulag ang hustisya sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen matapos na ibasura ng piskalya ang multiple murder na isinampa laban sa isang brgy. chairman at anim pang katao at saka pinalaya ang mga ito sa Caloocan City.
Si Chairman Graciano Victoriano, ng Brgy. Bignay, Valenzuela City kasama ang dalawa pang akusado na sina Richard Flor at Santiago Lumabao, na nagsilbi ring testigo sa kaso ay pinalaya mula sa Caloocan City Jail matapos na idismis ni Asst. Prosecutor Nestor Dabalos, ng Caloocan Prosecutors Office ang kasong pagpatay sa mga biktimang si Ramon Villanueva, Jefferson Agipanan, Jun Azuero, Arthur Cardona, Judril Megiso at Reymy Ponteros, mga trabahador ng King Dragon Remelting Aluminum Corp. ng Sto. Niño Meycauayan, Bulacan noong Oktubre 1, 2006 sa loob ng Nova Romania Subd., Deparo, Caloocan City. Sila ay natagpuang tadtad ng tama ng bala ng baril sa ulo at ibat ibang parte ng katawan.
Kabilang sa mga akusado ang mga tanod na nakalalaya na sina Dandoy Estrella, ang bodyguard at triggerman ng kapitan na si Dandoy Estrella at mga tanod ng Brgy. Bignay na sina Rodel Malabuhay, Ariston Yuraba, Danilo Campos, Romeo Pacheco at Francisco Bernal.
Ayon kay Supt. Nap Cuaton, hindi makatarungan ang ginawang pagdismis sa kaso at pagpapalaya sa mga akusado dahil lamang sa basehan ng piskal ay nagsumite ng affidavit of desistance ang pamilya ng mga biktima.
Nabatid na nasa korte na ang kaso at naitakda na ang arraignment subalit binawi umano ito ng nasabing piskal dahil na rin sa kanyang kahilingan sa korte na "withdrawal of information".
Naniniwala si Cuaton na may iregularidad na nangyari sa kaso sa piskalya dahil sa pagkabasura nito bagaman nagsisilbi umano ang Caloocan Police na isa sa mga complainant.
Inamin nito na maraming lumapit sa kanya noon at nanunuhol ng halagang P700,000 para lamang hindi nito ipa-inquest ang kaso.
Sinabi ni Cuaton na gagawa sila ng legal na pamamaraan upang makamit ang hustisya ng mga biktima kahit umabot pa ito sa Korte Suprema. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended