Mga ahas ipupuslit, nasabat sa NAIA
November 22, 2006 | 12:00am
Isang Pinay na may dalang 112 piraso ng mga endangered reptiles ang pinigil ng mga tauhan ng Bureau of Customs at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagtatangkang pagpupuslit ng mga ito para dalhin sa Bangkok, Thailand, kahapon.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng 39 pirasong Philippine cobras, 21 pirasong vipers, 2 pirasong iguana, 50 pirasong monitor lizards at 20 pirasong skinks.
Kinilala ng mga awtoridad sa NAIA ang pinigil na pasahero na si Erlinda Vergara, 41. Kararating lamang nito galing Bacolod sakay ng PR-132 at may connecting fligt patungong Bangkok nang masita ang mga reptiles sa kanyang check-in baggages.
Napag-alaman na inilagay ang mga ahas sa 53 pirasong plastic container at itinago sa dalawang malaking maleta at tatlong kahon.
Ang isa sa nakumpiskang ahas ay may 3 talampakan ang haba. Samantala, ang skinks ay katulad ng isang bubuli na pagkain ng iguanas at ahas.
Gayunman, sinabi ni Vergara na hindi sa kanya ang mga ito kundi sa kanyang kaibigan sa Bacolod at pinakisuyo lamang na dalhin niya sa isang Thai national na isang animal collector. Si Vergara ay ipaghaharap ng kasong smuggling dahil sa paglabag sa Convention of International Trade of Endangered Species. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am