^

Metro

Shootout: Holdaper dedo, 2 sugatan

- Doris Franche-Borja -
Patay ang isang holdaper, habang dalawa katao naman ang nasugatan sa naganap na shootout kahapon ng hapon sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Felicidad Gido, hepe ng Quezon City Police District-Galas Police Station, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan sa napatay na suspect na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ang kasamahan nitong suspect na mabilis na nakatakas at nakilala lamang sa alyas na Bentong na lumilinya sa naturang lugar.

Samantala, nadamay naman sina Savilla Baga, 51; at Marlon dela Cruz, 20. Nabatid na si Baga ay tinamaan ng ligaw na bala habang sakay ng tricycle, samantalang nag-iihaw naman si dela Cruz na tinamaan din sa naganap na putukan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon sa panulukan ng Cordillera at E. Rodriguez Sts. sa Quezon City.

Patungong Quiapo ang isang FX taxi na may plakang PWN-949 nang mamataan ng mga nagpapatrulyang pulis ang nagaganap na holdapan dito. Nauwi ito sa habulan hanggang sa manlaban ng putok ng baril ang mga suspect habang tumatakas.

Gumanti rin ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga holdaper at ikinasugat ng dalawang bystander.

vuukle comment

AYON

BATAY

BENTONG

CRUZ

FELICIDAD GIDO

PATUNGONG QUIAPO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-GALAS POLICE STATION

RODRIGUEZ STS

SAVILLA BAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with