^

Metro

Obrero tumakas sa inuman, kinatay

-
Nasawi ang isang 36-anyos na obrero makaraang pagsasaksakin ng isa sa kanyang kainuman matapos na bigla na lamang umalis ito sa kanilang inuman na hindi nagbibigay ng kanyang ambag sa alak, kamakalawa ng hapon sa Singalong, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Robenesto Borines ng Villa San Antonio St., Singalong, Maynila dahil sa tama ng saksak sa likod.

Pinaghahanap naman ang nakatakas na suspect na si George Hermogenes, 35, ng Zapanta St., Singalong. Ayon sa ulat, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang pananaksak sa loob ng isang bahay sa Arellano St. sa Singalong, Maynila.

Bago naganap ang pananaksak, dakong alas-9 ng umaga nang mag-umpisang mag-inuman ang biktima, suspect at ilang mga kapitbahay habang nanonood ng palabas sa telebisyon at hinihintay ang laban ni Manny Pacquiao at Erik Morales. Subalit bago pa man magsimula ang laban ay umalis na ang biktima nang walang paalam.

Natapos ang inuman dakong alas-5 ng hapon kung saan nagtagpo ang biktima at ang suspect sa basketball court sa naturang lugar. Dito walang sabi-sabing sinaksak umano ng suspect ang biktima sa likuran.

Ayon sa pulisya, posibleng ikinagalit ng suspect ang biglang pag-alis ng biktima sa kanilang umpukan at hindi pag-aabot ng ambag nito. Sinasabi ring may matagal nang alitan ang dalawa at inilabas ng suspect ang galit nang tuluyang malasing na. (Danilo Garcia)

ARELLANO ST.

AYON

DANILO GARCIA

ERIK MORALES

GEORGE HERMOGENES

MAYNILA

ROBENESTO BORINES

SINGALONG

VILLA SAN ANTONIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with