3 araw na Pig holiday
November 21, 2006 | 12:00am
Magsasagawa ng tatlong araw na "Pig holiday" o tigil sa pagbebenta ng karneng baboy ang mga samahan ng hog raisers sa Metro Manila.
Ayon sa grupong Agriculture Sector Alliance of the Philippines (ASAP), handa nilang isagawa ang naturang hakbang anumang araw mula ngayon dahil na rin sa kawalang aksiyon ng pamahalaan sa walang humpay na pagpupuslit ng mga imported na karne mula sa ibat ibang bansa.
Bukod dito, sinabi ni Nick Briones, pangulo ng ASAP, sa halip umanong sunugin ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang mga nakumpiskang hot meat sa Sta. Rita, Pampanga, ito ay naibebenta pa sa ilang mga pamilihan.
Sinasabing ang naturang hot meat ay binili ng Green Sea Manufacturing sa Malabon na pag-aari ng isang Carlos Co at pinulbos pang gawing pagkain ng isda.
Bunsod nito, nirekomenda ng ASAP sa pamahalaan na bawasan ang importasyon ng mga karne sa bansa o di kaya ay tuluyan nang ipatupad ang total hog ban lalo na ang pag-aangkat ng karne sa China para masolusyunan ang problemang ito. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended