Obrero kinatay sa loob ng barracks
November 20, 2006 | 12:00am
Isang stay-in worker ang naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang barracks sa Valenzuela City kamakalawa.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pananaksak at pagpatay sa biktimang si Edgar Ima-As, 35, binata at obrero sa 009 Damayan St., Halo, Dalandanan ng naturang lungsod. Siya ay nagtamo ng maraming tama ng saksak sa katawan at idineklarang dead-on-the-spot.
Sa ulat ni PO2 Alex Manalo, may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng gabi nang matagpuan ang nakahandusay na katawan ng biktima ng isang Joan Melvin del Carmen nang puntahan niya ito sa kanyang barracks para kausapin.
Ayon sa pulisya, nahihirapan silang makakuha ng lead upang maresolba ang pagkakapaslang sa biktima dahil na rin sa walang nakasaksi sa insidente o nakapansin man lamang kung may taong pumasok sa barracks ng una.
Naniniwala naman ang mga awtoridad na matinding galit ang nag-udyok sa salarin na patayin ang biktima dahil na rin sa halos hindi mabilang sa dami ng tama ng saksak na tumagos sa buong katawan ng biktima. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended