Shootout: 1 patay, 2 timbog
November 20, 2006 | 12:00am
Patay ang isang biyuda nang tamaan ng ligaw na bala habang arestado naman ang dalawa sa apat na hinihinalang carnappers matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Navotas Police kamakalawa.
Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital si Nida Vasay, 42 ng Blk. 3 Lot 77, Maliputo St. Dagat-Dagatan, Navotas matapos na magtamo ng tama ng bala sa dibdib.
Samantalang kalaboso naman ang mga suspect na sina Edgardo Tagalog, 23, at Ricky Andrade, 27, kapwa residente ng Blk. 3 Lot 118 Phase 2 Dagat-Dagatan, Navotas.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Nicanor Sablan, dakong alas-5:45 ng hapon nang maganap ang barilan sa pagitan ng mga pulis at apat na karnaper.
Una munang tinangay ng mga suspect ang tricycle ng isang Rex Manzano ng 21-E 5th Ave. Caloocan City na agad na ininpormahan ang mga awtoridad hanggang sa masukol ang mga suspect sa Vifel Storage sa C-3 Rd, NBBS, Navotas.
Agad na pinaputukan ng mga suspect ang mga nagrespondeng pulis na sina PO1s Alexis de Jesus, Aurelio Galvez at Anthony Santillan na naging dahilan upang gumanti ng putok ang mga ito.
Minalas namang tinamaan ng ligaw na bala si Vasay subalit agad ding nasakote ang dalawa sa apat na suspect. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended