Graft and corruption sa BOC, siyasatin

Pinasisiyasat ng mga miyembro ng Enforcement and Security Services ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport sa Office of the Ombudsman ang lumalalang graft and corruption sa kanilang hanay.

Binigyan-diin ng ESS-NAIA rank and file employee na nadadamay umano ang mga matitinong kawani ng BOC sa kalokohan ng ilang tiwaling opisyales at personnel dito.

Partikular na binanggit ng grupo ang pagbagsak umano sa lifestyle check ni Ret. Gen. Nestorio Gualberto, director ng ESS.

Kinasuhan din ito ng Field Investigation Office ng Ombudsman na si Atty. Maria Olivia Elena Roxas ng grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service at ang hindi umano pagsumite nito ng kanyang statement of assets and liabilities bukod pa ang criminal case ng paglabag sa RA 6713 o "ill gotten wealth".

Anila, hangga’t walang napaparusahang mataas na opisyal, patuloy umanong mamamayagpag ang mga buwaya sa nasabing tanggapan. (Butch Quejada)

Show comments