Human trafficking sa Dubai nabisto
November 20, 2006 | 12:00am
Hiniling ng dalawang Pinay na biktima ng human trafficking na nakatakas mula sa Dubai na siyasatin ng Philippine Consul ang nagaganap na human smuggling at white slavery sa isang bar dito na ginagawa umano mismo ng kanilang employer na malakas sa naturang embahada.
Ayon kina Evangeline Ramos at Melissa Nuñez, naging biktima umano sila ni Fidel Castro na manager at umanoy bugaw ng mga babae sa Ratsky-Dubai na umanoy nagmamalaking malakas sa embahada lalo sa Consul General na Antonio Curameng.
Sina Ramos at Nuñez ay tumakas at nagtungo sa embassy at nakauwi lamang ng Pilipinas nang magpadala ng tiket ang kanilang pamilya.
Posible umanong hindi nalalaman ng Indian national na ang kanyang club ay nagsisilbi na umanong pugad ng prostitution.
Nabatid na sa Ratsky-Dubai nakatambak ang mga babae na ibinebenta sa mga foreigner kung saan agad namang kinukuha ni Castro ang bayad sa mga ito na umaabot sa P7,000-P10,000 bawat isa. Idinadahilan ni Castro na ang pagkuha niya ng pera ay pambayad sa biniling tiket at visa.
Bunga nito, walang naiuuwing pera ang mga babae matapos magserbisyo sa mga foreigner kung saan agad ding pinauuwi ni Castro ang mga babae at sinasabihang expired ang visa matapos na mabayaran ang 15,000 dirhams.
Ayon kina Ramos at Nuñez isang nagngangalang Julie Peralta ng Roosevelt, Quezon City ang nagrerecruit at nangangako ng magandang trabaho sa Dubai at Europe. Si Peralta ay minsan nang nadakip ng NBI.
Kasama din ni Peralta sa page-recruit ng babae ay isang Rosie Patiag ng Malimba, Gapan, Nueva Ecija habang tumatayo namang financier ang isang nagngangalang Maureen Bulanadi ng Talavera, Nueva Ecija.
Anila, open ang visa sa Dubai at madali lamang makakuha. Sinabi pa ng mga ito na ang human smuggling na ito ay naipalabas na sa ibang telebisyon at marami na ring babae ang nagsumbong sa embassy subalit walang ginawang anumang aksiyon ang konsul ng Pilipinas sa Dubai.
Dahil dito nababahala din ang mga biktima sa posibleng patuloy na pagiging sex market ang Ratsky-Dubai kung saan umuuwing luhaan ang mga babaeng naging biktima ng human smuggling. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest