Chinese national timbog sa drug-bust

Isang Chinese national ang natimbog ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID) sa isinagawang drug-bust operation sa panulukan ng Banawe St. at Amoranto Avenue sa Quezon City.

Nakilala ang nadakip na si Chen Chun Man alyas Kevin Chan, 28, tubong Fookien, Amoy Province, China ay kasalukuyang nakapiit nang mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu.

Nabatid na dakong alas-11 kamakalawa ng gabi nang madakip si Man matapos na magpanggap ng posuer-buyer ang isang kagawad ng pulisya.

Agad na dinakma ng mga awtoridad ang suspect kasabay ng pagkakakumpiska ng may 500 gramo ng shabu at tatlong tseke na nagkakahalaga ng P300,000 bawat isa.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspect sa QC Prosecutor’s Office. (Doris Franche)

Show comments