^

Metro

Singil sa tubig posibleng tumaas

-
Posibleng tumaas na naman ang singil sa tubig kapag naibenta na sa bagong may-ari ang Maynilad Water Services Inc. na siyang nagsu-supply ng tubig sa west zone ng Metro Manila.

Ito ang ibinabala ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. dahil noong 1998 ay samut-saring papogi ang ginawa ng Manila Water at Maynila para makuha ang water concession mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ipinalabas ng dalawang kumpanya na magiging mura ang singil nila sa tubig bukod pa sa maayos na pagseserbisyo sa mga consumer.

Makalipas ang walong taon, ang Manila Water ay sumisingil na ng P19.73 per cubic meter kung saan 750% ang itinaas nito mula sa P2.32.

Ang Maynilad naman ay nagtaas ng 563% mula sa 4.96 per cubic meter noong 1997 hanggang sa umabot na ito ngayon sa P32.93 per cubic meter.

Dahil dito, iginiit ni Pimentel na ibuyangyang sa publiko ang rebidding ng Maynilad upang sa gayon ay makilatis ng mga consumer ang mga kumpanyang bibili rito.

Kabilang sa binigyan ng akreditasyon ng MWSS ay ang DM Consunji at Metro Pacific; Manila Water Co. na siyang concessionaire ngayon sa East Zone; Noonday Asset Management Asia of Singapore at Karunakan Ramchand ng India.

Aniya, kailangang maging bukas sa publiko ang bidding upang sa gayon ay mabulatlat ng consumer groups tulad ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan (Kaakbay) ang mga inaalok ng mga kumpanyang ito para makuha ang kontrata sa west zone. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANG MAYNILAD

EAST ZONE

KARUNAKAN RAMCHAND

MANILA WATER

MANILA WATER CO

MAYNILAD WATER SERVICES INC

METRO MANILA

METRO PACIFIC

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

NOONDAY ASSET MANAGEMENT ASIA OF SINGAPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with