Maagang 13th month bonus sa mga empleyado ng Navotas

Maagang matatanggap ng mga municipal employees sa Navotas ang kanilang 13th month pay.

Ito ang inihayag ni Navotas Mayor Toby Tiangco sa isinagawang lingguhang flag raising ceremony.

Kaugnay nito, inatasan ng mayor ang lahat ng concerned offices na mabilis na i-facilitate ang paglalabas ng 13th month bonus sa mga empleyado para na rin magamit sa nalalapit na Kapaskuhan.

"Nais naming bigyan ng reward ang aming mga municipal employees dahil sa kanilang performance partikular na sa maayos na fiscal management. Makakatulong din ito sa kanila para hindi na masabak sa Christmas rush at sa nakatakdang pagtaas ng mga bilihin sa tuwing nalalapit sa holiday season.

Ang Navotas ay may kabuuang 1,032 employees.

Show comments