Ret. PAF colonel, binoga dahil sa parking
November 18, 2006 | 12:00am
Isang retiradong Air Force colonel ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang lalaki dahil lamang sa parking, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Capitol Medical Center ang biktimang si ret. Col. Mario Tanael ng #52 Sgt. Esguerra St. Brgy. South Triangle, Quezon City Police-Criminal Investigation Division (QCPD- CID) naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi sa harap mismo ng kanyang restaurant na Rubys Diner.
Ayon sa pulisya, kabababa pa lamang ng biktima mula sa kanyang kotse na Nissan Sentra na may plakang UEK-215 nang punahin nito ang mga nakabalagbag na sasakyan sa harap ng kanyang restaurant.
Lumilitaw sa pahayag ng mga saksi na pinakiusapan pa nito ang mga driver na ayusin ang pagkaparada.
Sa puntong ito biglang sumulpot ang suspect na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.
Nang makitang bumulagta na ang biktima ay mabilis itong tumakas sakay sa isang tricycle.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended