^

Metro

P1.2-M halaga ng pekeng sigarilyo nasabat

- Doris Franche-Borja -
Nasabat ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID) ang mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.2 milyon kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Unang Sigaw, Balintawak ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, dakong alas-5:15 ng madaling-araw nang maharang ng kanyang mga tauhan ang Isuzu closed aluminum van na may plakang XGN-335 na naglalaman ng mga kahon ng mga pekeng Marlboro cigarette matapos ang isang linggong surveillance.

Sinabi ni Gatdula na marami na silang natatanggap na reklamo hinggil sa pagkalat ng mga pekeng sigarilyo kung kaya’t agad niyang pinamanmanan ang mga suspect.

Kasalukuyan ding iniimbestigahan sina Alex Mauricio, 33, driver; at pahinante na sina Rufino Morales, 63, at Rafael Ramirez, 39, na nahuling magdideliver ng mga pekeng sigarilyo sa Mayon St.

Subalit ayon kay Morales, isang alyas Jerry ang kanilang katagpo sa tuwing may delivery at ito ang siyang magde-deliver sa isang warehouse. Itinanggi nito na alam niyang peke ang mga sigarilyo.

ALEX MAURICIO

AYON

MAGTANGGOL GATDULA

MAYON ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

RAFAEL RAMIREZ

RUFINO MORALES

SR. SUPT

UNANG SIGAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with