Papunta Sa Hearing: 5 Army officers dawit sa coup, sugatan sa aksidente
November 16, 2006 | 12:00am
Limang junior officers na sangkot sa bigong coup detat noong Pebrero 24 ang nasugatan matapos na aksidenteng sumalpok ang humahagibis na sasakyan ng mga ito sa kasalubong na behikulo sa EDSA, Magallanes, Makati City sa pagmamadaling maiprisinta ang mga ito sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ), ayon sa kanilang abogado kahapon.
Ayon kay Atty. Alex Avisado Jr., nabalian ng kanang kamay si Major Leomar Doctolero na siyang gumastos sa kanyang medisina matapos na tumanggi ang mga security escort nito na dalhin sa ospital sa katwirang wala silang clearance mula sa kanilang mga commander.
Maliban kay Doctolero, kasama sa kanyang mga kliyenteng nasugatan ay sina Major Jason Aquino, Lt. Cols. Nestor Flordeliz at Edmundo Malabanjot at Major Oriel Pangcog, pawang kasapi ng elite First Scout Ranger Regiment (FSSR).
Nabatid na ang mga coup plotters ay nakaposas sa poste ng truck habang ibinabiyahe ang mga ito mula sa kanilang detention cell sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal patungo ng DOJ sa Maynila.
Sinabi ni Avisado na nabigong sumipot sa alas-10 ng umagang pagdinig kamakalawa ang kanyang mga kliyente kung saan naganap naman ang sakuna bandang alas-10:15 ng umaga dahil sa malalang daloy ng trapiko dulot ng malakas na ulan. Ang truck na sinasakyan ng mga ito ay sumalpok sa isang Mitsubishi Pajero at isang taxi. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended