Lacson nasulsulan lang
November 15, 2006 | 12:00am
Nasulsulan lamang umano si Senador Lacson ni Rep. Ronnie Zamora kayat napilitan itong tumakbong Alkalde ng Maynila.
Ayon kay Manila Vice Mayor Danilo "Danny" Lacuna, lumalabas sa mga interview ni Lacson sa telebisyon at radio na walang malinaw na naisasagot ang Senador sa tuwing tatanungin ito kung bakit sa Maynila pa nito gustong tumakbo sa halip na sa ibang lungsod.
Si Zamora umano ang nasa likod ng Senador kayat nagdesisyon na ito kahit na maaaring wala sa kanyang plano ang pagtakbo sa mayorality race.
Samantala, itinuturing din ni Lacuna na isa sa kanyang mahinang kalaban sa pagka-alkalde si Lacson dahil ang mahigpit umano niyang makakalaban ay si dating Rep. Mark Jimenez dahil sa kakayahan nitong mamigay ng pera at si Ali Atienza dahil naman sa makinarya ng ama nitong si Mayor Lito Atienza.
Idinagdag pa ng bise alkalde na ang mga nagsusulputang survey sa kasalukuyan sa Maynila ay hindi maituturing na "credible" dahil sa kapag si Lacson umano ang nagpapa-survey ay ito ang number 1, kapag si Lim naman ay no. 3, gayundin si Ali.
Sa kabila nito, welcome naman umano ang lahat ng mga pulitiko na nagnanais na tumakbo sa 2007 mayorality race dahil sa "the more the merrier". (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended