Base sa imbestigasyon, nabatid na napadaan si Hangulan sa pagitan ng magkaharap na cargo trailer nang biglang magbungguan ang mga ito at mapitpit ang katawan ng biktima sanhi ng agad nitong kamatayan. Nasaksihan naman ng radio operator ng Sulpicio Lines ang insidente at agad na ipinagbigay-alam ang pangyayari sa security officer nito na siyang humingi ng saklolo sa pulisya. Sinabi ni Homicide commander, C/Insp. Alejandro Yanquiling Jr. na inimbitahan nila para isailalim sa pagtatanong ang limang forklift operator na nasa ilalim ng serbisyo ni Hangulan at naka-duty nang maganap ang insidente. Inaalam ng pulisya ang posibilidad na nagkaroon ng "foul play" sa insidente. (Danilo Garcia)
Supervisor durog sa trailer
Kalunus-lunos ang kamatayan na sinapit ng isang empleyado ng isang shipping lines matapos na mapitpit ang katawan nito sa nag-umpugan na trailer kamakalawa ng hapon sa Tondo, Manila. Nakilala ang biktima na si Renato Hangulan, 42, supervisor locator ng Sulpicio Lines at residente ng #781 Area A Gate 3 Parola Compound, Tondo. Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng hapon sa Pier 16-A sa Manila North Harbor.