Sa ipinalabas na progress report ni Supt. Nap Cuaton, deputy chief of police at hepe ng Caloocan Police Station Investigation and Detection Management Bureau, ang mga suspect ay nakilalang sina PO1 Michael Beatriz, half-brother o kinakapatid ng pinatay na inmate na si Ernanie Magnayon na sangkot sa Ruñez slay; Cesar Magnayon, tiyuhin ni Ernanie; Rannie dela Cruz, Jess Javier at Albert Malloza, pawang sa Caloocan City.
Sinampahan na rin ng Caloocan Police kahapon ng kasong 2 counts of murder at multiple frustrated murder ang mga suspect sa Caloocan Prosecutors Office.
Ang mga suspect ay tumutugma sa mga cartographic sketch na ipinalabas ng Caloocan Police kamakalawa matapos na magbigay ng deskripsiyon ang mga saksi sa pananambang sa ama ni Charles Galarce na si Celerino, 47, tricycle driver sa Admin Site, Tala ng dalawang suspect na kasama rin sa limang suspect na namataan na naghagis ng granada sa lamay ng ama ni Charles na si Celerino (Galarce), ikatlong gabi matapos na siya ay mapatay noong Nob. 7, 2006.
Paghihiganti ang lumalabas na motibo sa pamamaslang sa nakatatandang Galarce at ang tangkang pagpatay pa sa pamilya nito sa pamamagitan ng pagpapasabog sa burol ng una. (Ellen Fernando)