Naramdaman din ang pagyanig sa ilang lugar sa Batangas at maging sa Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Renato Solidum, director ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naramdamang pagyanig ay bunsod ng paggalaw ng Manila trend na ang sentro nito ay naitala may 100 kilometro ng southwest ng Maynila malapit sa Mindoro Islands.
Ang lindol ay tectonic.
Naitala ang pagyanig sa lakas na intensity 4 sa Maynila, intensity 3 sa Quezon City, Makati at Pasay at intensity 2 sa Batangas City. Naitala naman ang intensity 5 sa Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.Binanggit pa ni Solidum na inaasahan pa ang pagkakaroon ng aftershocks makaraan ang naganap na lindol. (Angie dela Cruz)