Ex-tanod nag-trip, namaril: 1 patay, 2 sugatan
November 14, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 20-anyos na lalaki, habang nasa kritikal namang kalagayan ang dalawang pinsan nito makaraang pagbabarilin sila ng isang dating barangay tanod habang naglalakad pauwi, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa St. Vincent Hospital dahil sa tinamong tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo si Joseph Valdez, habang nasa kritikal namang kalagayan sa nasabi ding pagamutan ang mga pinsan nitong sina Dennis Valdez 21, nagtamo ng tama sa ulo at balikat at kapatid nitong si Ramisses, 27, nagtamo ng tama ng bala sa sikmura, pawang residente ng 50 Road 1, Doña Petra Subd. Brgy. Tumana ng lungsod na ito.
Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Juan Leo Bassi.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi habang naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Road 1 pauwi sa kanilang bahay nang masalubong ang suspect na may hawak ng di pa batid na kalibre ng baril.
Sa hindi pa batid na kadahilanan ay biglang pinagbabaril ng suspect ang mga biktima bago mabilis na tumakas.
Lumalabas sa imbestigasyon na posibleng nag-trip lang umano ang huli kung kaya pinagbabaril ang nagkataong dumadaang mga biktima.
Patuloy ang isinasagawang pagtugis sa suspect. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest