Cop-killer, arestado

Nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District-Kamuning Police Station ang tinaguriang cop-killer sa isinagawang follow up operation kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Sasampahan ng kasong murder ang suspect na si Bernabe Palanas, 36, alyas Abelardo Planas at Aspog matapos na maaresto dakong alas-11:45 ng umaga sa hideout nito sa Delos Santos Ave. Parañaque Subdivision Valley 2, Parañaque City.

Si Palanas ay suspect sa pamamaslang kay SPO2 Ramon Borre nakatalaga sa PCP-Kamuning Police Station noong Marso 26, 2006 sa panulukan ng Eusebio Ave. at Kenneth St. Brgy. Magpayong, Pinagbuhatan, Pasig City.

Lumilitaw na may nakuhang impormasyon ang pamilya Borre na pagala-gala sa lugar ang biktima kung kaya’t agad na bumuo ng team si QCPD-Kamuning Police Station chief, Supt. Mario Soriano na kinabibilangan nina PO3 Leopoldo Zapanta, PO2’s Joey Cortez, Randy Maloang, Jesus Reparejo at PO1’s Pedro Bernardo at Benjamin Nepuscua at tinungo ang pinagtataguan ni Palanas.

Bagama’t nagulat hindi naman nanlaban si Palanas at sumama ng mapayapa sa mga awtoridad. (Doris Franche)

Show comments