^

Metro

2 holdaper, utas sa shoot-out

-
Patay ang dalawang holdaper na nambibiktima ng mga taxi driver matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District-Police Intelligence Division (QCPD-PID) kamakalawa ng gabi sa Commonwealth, Quezon City.

Dead-on-the spot sanhi ng mga tama ng bala ng baril katawan ang mga suspect na sina Amorsolo Danao, 35 at Bobot Saldivia.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa Brgy. Balara, Quezon City.

Nagsu-surveillance ang mga tauhan ng PID sa pangunguna ni Sr. Insp. Rodel Marcelo sa Laura St., Commonwealth Avenue nang mamataan nila ang komosyon sa loob ng isang taxi.

Dahil sa kaduda-dudang sitwasyon, agad na sinundan ng mga pulis ang Ma. V. T. taxi na may plakang PXW-555 na kinalululanan ng dalawang lalaki hanggang sa huminto ito sa tapat ng No. 27 Laura St.

Sisitahin pa lamang ng mga pulis ang sakay ng taxi nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng mga suspect na holdaper. Dito na gumanti ng putok ang mga pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito. Nabatid kay Jonathan Anig-ig, taxi driver na hinoldap siya ng dalawa at nagpahatid sa nasabing lugar. Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspect ang isang fragmentation grenade at caliber .38 revolver. (Doris Franche)

vuukle comment

AMORSOLO DANAO

BOBOT SALDIVIA

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

JONATHAN ANIG

LAURA ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-POLICE INTELLIGENCE DIVISION

RODEL MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with